News


  • Image for UP STAT, pinarangalan sa Gawad Kasarian!

    UP STAT, pinarangalan sa Gawad Kasarian!

    Last updated: Dec. 22, 2024, 2:49 p.m.

    Buong pusong pinarangalan ang UP School of Statistics ng UP Diliman Gender Office sa kanilang Gawad Kasarian 2022 bilang GAD Breakthrough Activity (Organizer) at Natatanging Institusyon!

    Ito ay para sa kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng karapatan at kagalingan ng lahat ng kasarian at sa pagtataguyod ng programang Gender and Development (GAD) sa kanilang yunit sa ilalim ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ang UP School of Statistics din ang unang akademikong yunit na nakatanggap ng parangal sa Gawad Kasarian.

    Tunay ngang hindi lamang mandato ang gawain sa GAD, bagkus ito ay adbokasiya at paalala sa lahat na ang gender justice ay kasama at mahalaga sa pagsulong ng ating mga disiplina. Kaya naman hamon sa ating lahat na ipagpatuloy at ipalaganap pa ang pagtratrabaho ng gender and development bilang pundasyong kinakailangan upang ang ating lipunan ay bukas at mapagpalaya sa lahat ng kasarian.

    Padayon, UP School of Statistics, at maraming salamat sa UP Diliman Gender Office!

    --

    Narito ang buong detalye ng mga parangal:

    GAD BREAKTHROUGH ACTIVITY is awarded in recognition of a breakthrough activity, landmark achievement, or institutionalization of a practice, activity, or policy in GAD work by a GAD Committee, a college/unit/office, a UP Diliman organization, or student organization.

    NATATANGING INSTITUSYON is awarded in honor of an institution's contributions to, breakthroughs in, and institutionalization of gender work, research, and mainstreaming within the University and in the country.

Highlights